Taliba, Tuesday, 23 February 2010
By: Bobby C. Ticzon
Binigyan ng medalya ang tatlong miyembro ng
Philippine Marines (PM) na kabilang sa tumapos
sa kilabot na buhay ni Abu Sayyaf Group
commander Albader Parad.
Iginawad nina Philippine Marines Corps Commandant
Maj Gen. Juancho Sabban at Western Mindanao Command
(Wesmincom) chief Lt. Gen. Ben Dolorfino sa Camp
Navarro General Hospital sa Zamboanga ang tinaguriang
'wounded personnel medals' kina Private First Class (PFC)
Joselito Carreon, Corporal Anthony Carmona, at
Corporal Marcelino Landicho. Karamihan sa
kanila ay nagtamo ng bullet shrapnels sa
iba't ibang parte ng katawan.
Inilarawan ni Sabban ang operasyon sa Sitio Tukay,
Barangay Karawan, Maimbung, Sulu na perpekto
matapos ang Marine Battalion Landing Team-4
(MBLT-4)ay napatay si Albader Parad
at limang iba pa na miyembro ng Abu Sayyaf.
Gayunman,ikinalungkot naman ni Sabban, ang
pagkamatay ng isa sa mga sundalo sa naturang
operasyon na aniya ay nagbunga dahil sa
kanilang pinalakas na operasyon at opensiba.
Sinabi ni Dolorfino na si Parad ay may
patong na pabuya sa ulo na $l milyong dolyares
at P7 milyong dahil sa pagdukot sa kanyang mga
biktima kabilang ang tatlong humanitarian
workers ng International Committee of the
Red Cross (ICRC).
No comments:
Post a Comment