Abante, Monday, March 15, 2010
By: Noel Abuel
Nabawi ng military ang isang malaking kampo ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na sinasabing isang training at bomb-making camp sa kabundukan ng Bgy. Baiwas sa bayan ng Sumisip, Basilan.
Kinumpirma ni Task Force Trillium chief, Rear Admiral Alexander Pama ang malaking accomplishment ng tropa ng gobyerno kung saan nabawi ng mga sundalo ang kampo ng mga bandido sa area na kung tawagin ay “Hill 850” makalipas ang ilang oras na engkuwentro.
Sa naturang pangyayari, tatlo sa mga ASG members ang nasawi at 12 iba pa ang sugatan.
Kinumpirma rin ni Pama na pitong mga sundalo ang nasugatan sa encounter.
Samantala sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ni Brig. Gen. Eugenio Clemen, 1st Marine Brigade chief, na ang nasabing Abu Sayyaf camp ay kaya umanong mag-accommodate ng may 100 katao at napapalibutan ng mga booby traps gaya ng mga improvised bombs at landmines.
Narekober din ng militar mula sa kampo ang ilang “training and indoctrination manuals,” mga blasting caps, rifle grenades at ilang empty shells ng M-16 Armalite rifles.
No comments:
Post a Comment