Monday, May 17, 2010

Kampo ng ASG, nabawi ng militar

Saksi, Monday, March 15, 2010


ZAMBOANGA CiTY -Patuloy pa rin
ang ginagawang clearing operations ng militar
sa basilan, kasunod sa pagkakakubkob sa isang training al homb-making
camp ng bandidong Abu Sayyaf" sa kabunudkan ng Brgy. Baiwas sa bayan ng
Sumisip. Kinumpirma ngayun ni Task Force Trillium chief, Rear Admiral
Alexander Pama, ang malaking accomplishment ng tropa ng gobyerno nitong
nakaraang Linggo lamang. Ayon sa opisyal, nabawi ng mga sundalo ang kampo ng mga
bandido sa area na kung tawagin ay "Hill 850" Makalipas ang ilang oras na engkuwentro.

Sa naturang pangyayari, 3 sa mga ASG members ang nasawi at 12 iba pa ang sugatan sa encounter. Samantala sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ni Brig. Gen. Eugenio CLemen, 1st Marine Brigade chief, na ang nasabing Abu Sayyaf camp ay kaya umanong mag-accomodate nang may 100 katao at napapalibutan ng mga booby traps gaya ng mga improvised bombs at landmines.
Narekober din ng militar mula sa kampo ang ilang "training and indoctrination manuals" mga blasting caps, rifle grenades at ilang empty shells ng M-16, Armalite rifles, maliban dito, nakuha din sa lugar and isa ng listahan ng mga contact numbers at subscriber identification module (SIM) Cards,. Batay sa intelligence report, ang naturang kampo umano ay nasa ilalim ng pamumuno ni Abu Sayyaf leader Kair Mundos, kung saan sinasanay ang mga ASG at Jemaah islamiyah(JI) militants sa pag-gawa ng mga bomba. Sa exclusive interview ni Bombo Analy Soberano ngayong umaga kay Western Mindanao Command (Westmincom) chief, Lt. Gen. Benjamin Dolorfino, tiniyak naman ng opisyal na tuloy-tuloy pa ang gagawin nilang offensive operations ng pamahalaan laban sa ASG. "Malaking bagay ang pagkakakubkob natin sa kampo ng Abu Sayyaf at sa katunayan ay napakaraming improvised explosive device ang narekober ng troops natin.
"As far as the campaign against terrorism, relentless efforts natin," ani Dolorfino.

No comments:

Post a Comment