Wednesday, May 19, 2010

Cargo ship sumadsad sa Masbate

Hataw, Friday, May 14, 2010

By: D. Garcia/ L. Basilio

LEGAZPI CITY – Sinagip ng Navy sailors ang 22 tripulante ng cargo vessel na sumadsad sa Ticao Island sa Masbate kahapon, ayon sa ulat ng Navy Official.

Sinabi ni Lt. Denver Ramon, spokesman ng Navy sa Bicol, nagsagawa ng distress call ang MV Pacifico dakong 6:10 a.m. kahapon, at sinabing sumadsad ang barko sa Argos Point at dahil sa impact ay nabutas ang bow na pinasukan ng tubig.

Ang barkong pag-aari ng Galaxy Transportation Inc. ay may kargang 50,000 bags ng semento mula sa Cebu at nagdidiskarga sa Masbate port.

Sinabi ni Jesus Hernando, cargo ship captain, ligtas na ang lahat ng mga tripulante ngunit ang kalahati ng cement cargo ay basa na ng tubig dagat.

1 comment: