Remate, Saturday, Apirl 17, 2010
By: Verlin Ruiz at Kyle Gatus
Para matiyak na magkakaroon at maisakatuparan ang kauna-unahang automated election sa Pilipinas, sinimulan na ang pagdeploy sa may 16,000 pulis at anim na batalyong sundalo sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila.
ito anf magkatuwang na pahayag nina NCRPO Chief Director Roberto Rosales at AFP NCRCOM Rear Admiral Feliciano Angue kahapon kasunod ng paglulunsad ng AFP-PNP Joint Security- Motorized Patrol 24/7 HOPE.
Ayon kay Rosales, unang ikakalat ang 12,000 pulis kabilang dito ang route security, police visibility patrol, mobile patrol, motorized patrol 24/7 katuwang ang mga kagawad ng AFP-NCRCOM na nagtalaga rin ng kanilang 24/7 riders para masuportahan ang may 50 checkpoint na minamantine ng PNP at AFP sa Mega Manila.
Inihayag naman ni Angue na mistah ni Rosales sa PMA Class 1978 at itinuturing na top contender sa NAvy Flag Officer In Command post na may anim na batalyon o 3,000 sundalo ang kanilang ikinasa para sa malinis, maayos at payapang halalan.
Ayon kay Angue bagaman may mga nauna sna silang deployment ng mga sundalo sa mga checkpoint, magieskort rin ang mga ito sa pag bibyahe ng mga PCOS Machine ng Comelec mula sa bodega nito sa Cabuyao, Laguna gayundin sa ballot boxes patungo sa Central hub nito sa Tandang Sora, Quezon City.
Samanatala, nagpahayag ng pangamba ang isang opisyal ng Catholic Bishops COnference of the Philippines kaugnay sa pagpapakalat ng mga sundalo sa Metro manila para magpatrulya kaugnay ng May 10 national and local elections.
Ayon kay Caloocan Bishop at CBCP Episcopal Commision on Public Affairs chairman Deogracias Iniguez Jr., maaaring bahagi ito ng mapipintong "worst-case election scenarion."
kabilang umano sa mga lugar na babatayan ng militar ang Makati City nainirekomenda na ng pulisya na isailalim sa kanilang kontrol bunsid ng mga election-related violence roon.
No comments:
Post a Comment