Wednesday, May 19, 2010

CARGO VESSEL SUMADSAD SA ISLA NG MASBATE

Abante, May 14, 2010

By:Edwin Balasa

Ligtas na ang mga tri­pulante ng sumadsad na cargo vessel matapos ang mabilis na responde ng Naval Forces Southern Luzon kahapon ng umaga sa isang isla sa Masbate.


Dakong alas-sais ng umaga nang sumadsad ang MV Pacific Cruiser na pag-aari ng Galaxy Transportation sa Magcaragit Island sa nasabing lalawigan. Ang nasabing cargo vessel ay patungo sana sa Masbate City galing sa lalawigan ng Cebu.


Ayon kay Lt. Commander Ariel Leonida, agad silang rumesponde matapos na makumpirma ang nasabing insidente.


Nabatid na libu-libong sako ng semento ang laman ng nasabing cargo vessel nang siyasatin matapos itong madala sa mababaw na bahagi ng dagat.


Ayon pa kay Leonida na posibleng dahil sa sobrang bigat ng karga ang dahilan ng nasabing pagsadsad ng barko.


Patuloy naman ang gina­gawang imbestigas­yon upang mabatid ang dahilan ng insidente.

No comments:

Post a Comment