Abante, April 13, 2010
By: JS Salarzon
Nagpadala kahapon ng 250 na sailors ang Philippine Navy sa Malaysia upang makibahagi sa taunang pagsasanay sa tinatawag na MALPHI-LAUT 13/0 na naglalayong mapataas ang antas ng kakayahan ng mga Filipino sailors pagdating sa pagsasagawa ng kanilang operasyon sa karagatan.
Ayon kay Lt. Junior Grade Rommel Rodriguez, Navy Fleet Public Information Officer, naglayag ang mga Pinoy Sailors mula sa Assault Craft Force Headquarters sa Naval Base Heracleo Alano sa Sangley Point, Cavite City patungong Malaysia.
“Ang pagsali ng ating mga Pinoy sailors sa 13th edition ng pagsasanay kabahagi ng taunang aktibidad sa pagitan ng Navy at Royal Malaysian Navy pagdating sa pagsasagawa ng tactical maneuvers and scenarios sa karagatan. Sampung araw ang pagsasanay na ito,” ayon kay Rodriguez.
No comments:
Post a Comment