Saksi sa Balita, Tuesday, 23 February 2010
Pinapurihan ng mga mambabatas ang militar sa
pagkakapatay nito sa matataas na lider ng bandidong
Abu Sayyaf kabilang na si Al Bader Parad sa
isang engkwentro sa lalawigan ng Sulu.
Ayon kina Senate Defense Committee Chairman
Rodolfo Biazon at Senate Minority Leader Aquilino
Pimentel Jr., malaking accomplishments ito ng
militar dahil tuluyang napilayan ang bandidong grupo.
"I think that with this the military or the AFP
and probably even the police must exploit this gain.
This is a big gain for military in its campaign
against the terrorist," ayon kay Biazon.
Pero ayon kay Pimentel, dapat tiyakin ng militar
na hindi na makakaporma pa ang grupo dahil maaaring
agad na papalitan ang namatay na lider ng ASG.
Iginiit naman ni Biazon na ngayon na ang tamang
panahon na magsagawa ng hot pursuit operation
laban sa mga bandido dahil maliban sa kapos na
sa supply ng bala ang grupo, maituturing na mahina
na ang kanilang pwersa matapos malagasan ng pinuno.
"The conduct of a pursuit operation I think is
timely because right now there are reports that
the Abu Sayyaf is short in ammunition simply
because the cost of ammunition nowadays have
jumped to probably even beyond the reach of the
Abu Sayyaf already," dagdag pa ni Biazon.
No comments:
Post a Comment