Saturday, May 29, 2010

Marine, PNP namayagpag sa Dragon Boat event

Remate Martes 18 Mayo 2010

NAMAYAGPAG ang Marine at Philippine National Police (PNP) teams sa katatapos na Cobra Energy Dink Dragon Boat Regatta 2010 na ginawa sa Manila Bay nitong Linggo.
Ang Fleet-Marine team ay natapos ng 1st sa men’s division, 2nd ang Philippine Dragon Fireblades, 3rd ang PNP at nasa 4th naman ang La Salle University (DSLU) Rowing Team.
Nanguna naman ang PNP sa women’s division, 2nd place ang Triton, 3rd ang DSLU at lumaglag sa 4th ang Rowers Club Philippines.
Napagwagian rin ng Fleet-Marine ang mixed division mataposilampaso ang Philippine Dragon Team Fireblades at Rowers Club Philippines.
Bago ang finals, dalawang Bangka mula sa PNP at Rowers Club Philippines at bumaligtad habang lumalaban dahil sa malakas na alon sa Manila Bay.
Wala naming nasaktan sa insidente dahil agad na nasagip ang mga miyembro ng teams.
Ayon kay Nestor Ilagan, technical director ng Philippine Dragot Boat Federation, talagang nangyayari ang paglubog ng Bangka tuwing kumpetisyon.
Subalit sinisiguro nila na lagging handa ang kanilang rescue upang sumaklolo sa ganitong insidente.

No comments:

Post a Comment