Police E-Files, Sunday, March 21, 2010
By: Mark Obleadia
Magpapadala ng karagdagang mga puwersa ang Philippine Navy upang tumulong sa isinasagawang pagtugis sa mga bandidong Abu Sayyaf Group(ASG) at kampanya laban sa insureksyon sa Visayas at Mindanao.
Ayon kay Philippine Navy Spokesman Lt. Col. Edgard Arevalo, itatalaga ang PN sa Visyas at Mindanao ang BRP Rajah humabon (PF11); BRP Apolinario mabini (PS 36); BRP Gen. Mariano Alvarez(PS 38); BRP Simeon Castro(PG 851) at BRP Gen. Emilio Aguinaldo(PG 40). Ilang company ng Philippine Marine Corps (PMC) elite force na ipadadala sa Basilan.
Pangungunahan naman ni Vice Admiral Ferdinand Golez, Flog Officer in Command, Philippine Navy ang sent off na dadaluhan ng mga Senior Fleet-Marine Unit Commanders, major General Juancho M Sabban, Commandant, PMC at Rear Admiral Geronimo Defensor, Commander, Philippine Fleet na magassist kay Vice Admiral Golez sa pagsasagawa ng inspection ng troops at kanilang mga kagamitan.
Sinabihan ni Arevalo na ang pagtatalaga ng mga personnel at asset ay isa naman hakbang ng Navy bilang bahagi ng kampanya sa pagpapatupadng kaayusan seguridad at mapalakas ang kampanya laban sa mga lawless element sa Visayas at Mindanao.
No comments:
Post a Comment