Sunday Tonite, Sunday, March 21, 2010
By: JB Salarzon
Ngayong araw, buong puwersa ng Binibining Pilipinas 2010 winners ang makakasama ng matataas na opisyal ng Philippine Navy at Marines upang bigyan ng maikling seremonya ang mga sundalong ipapadala sa Sulu para tumulong sa paglipol ng mga natitira pang Abu Sayyaf Group (ASG).
Pangungunahan ni Flag-Officer-in-Command Vice Admiral Ferdinand Golez at Marine Commandant Maj. Gen. Juancho Sabban ang mga binibini para sa pagbibigay ng inspirasyon sa mga sundalong sasabak sa labanan.
Ayon kay Lt. Col. Edgard Arevalo, tagapagsalita ng Navy/Marines, ang mga sundalo ay kabahagi ng kanilang elite force at mananatili ng 60-araw o dalawang buwan sa Sulu.
Partikular na guguwardiyahan ng mga sundalo ang karagatang nakapalibot sa iba’t-ibang lugar sa Mindanao kung saan mayroong presensiya ng Abu Sayyaf habang tinutugis ng mga kapwa nilang sundalo ang mga ito sa kalupaan.
Kasama sa mga idedeploy ang isang kumpanya ng Marines na ang destinasyon ay sa Basilan.
Sa kautusan ni Armed Forces chief Gen. Delfin Bangit, nag-deploy na ng isang batalyon ng elite forces si Army chief Lt. Gen. Reynaldo Mapagu sa Sulu para tugisin at lipulin ang mga bandidong Abu Sayyaf.
No comments:
Post a Comment