By Thony Arcenal
Police Files, Martes, Hunyo 14, 2011
PLARIDEL, BULACAN - Himalang nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang limang miyembro ng Philippine Navy at isang miyembro ng Philipppine National Police makaraang sumabog ang kanang bahagi ng gulong nito sa kahabaan ng Km-40 sa North Luzon Expressway sakop ng Brgy. Lalangan.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad dakong 5:20 ng hapon patungo sa bahagi ng North Luzon ang mga biktima nang sumalpok ng makailang beses sa concrete fence ang sinasakyan nilang blue Toyota Tamaraw Wagon (UUK-520) na minamaneho ni SSgt. Arturo Almanza, 42, ng Philippine navy.
Sa report na tinanggap ni P/SSupt. Fernando H. Mendez Jr. OIC PNP Provincial Director kinilala ang mga sugatang biktima na sina SSgt. Ronald Antonio y Soliven 38, ng Camp Aguinaldo Quezon City; MSgt. Alberto Misyon y Pinafel 51, ng Las PiƱas City; SSgt. Jude Rivera y Guzon 46, at CTO Marion Alex Galapali y Mayrong, 54 ng Payatas QC at PO2 Francis Lustiano y Pallere, 37, ng San Pedro Laguna habang himala na walang tinamong ugat sa katawan si SSgt. Manulabnan.
Patuloy na nilalapatan ng lunas sa Our Lady of mercy Hospital sa bayan ng Pulilan ang mga biktima.

No comments:
Post a Comment