By Bombo Radyo, Tuesday, June 21, 2011
Nanawagan ng suporta sa publiko ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa harap ng umiinit na tensyon sa West Philippine Sea.
Una rito, inakusahan ng mga militanteng grupo na ginagamit lamang ng gobyerno ang isyu sa Spratly Islands para maidepensa ang P40-billion additional budget para sa AFP modernization program.
"Kami po ay gagampanan po namin ang aming trabaho, kahit ano pa man ang kagamitan na mayroon tayo. Hindi po pinag-uusapan kung makakaya o hindi, gagawin po namin iyan. Ang aming sinusumamo lang ay sana po kami po ay mabigyan ng suporta ng ating taumbayan," panawagan ni Pama.
Samantala, muli ring ipinaliwanag ng opisyal na masyadong maliit kung tutuusin ang P40-billion na pondo para sa modernisasyon ng AFP.
Paliwanag ng officer-in-command, hindi naman sila naghahabol ng mga "top of the line" na mga kagamitan, kundi ang mga dapat lamang kakailanganin para magampanan nila ang kanilang tungkulin.
"Matagal na pong kailangan ito para mapangalagaan ang ating seguridad. Hindi naman natin hinahabol ang mga top of the line, 'ika nga, kundi kung ano iyong mga bagay, alinsunod doon sa ating ginagawang stratehiya na makakayanan natin," dagdag ng opisyal.
No comments:
Post a Comment