Saksi sa Balita, Monday, June 13, 2011
PINAWI ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pangamba na posibleng magdulot lamang ng mas matinding tensyon sa South China Sea ang nakatakdang war games sa pagitan ng pilipinas at Amerika na gagawin ngayong buwan.
Bagama't wala pang tukoy na lugar kung saan gagawin ang nabanggit na military exercises, pero iginiit ni AFP spokesman Commodore Jose Miguel Rodriguez na hindi gagawa ng hakbang ang Pilipinas na magpapalala sa sitwasyon.
Una ng inihayag ng opisyal na matagal ng naka-kalendaryo ang joint naval exercises na gagawin sa Naval Forces West.
Ang nasabing area of operations ay nasa bahagi lamang ng Sulu Sea.
Binanggit din ni Rodriguez na ang gagawing training ay alinsunod sa umiiral na Mutual Defense Treay ng Pilipinas at Amerika at wala umanong kaugnayan sa pinakahuling tensyong namumuo sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Kabilang sa sinasabing lalahok sa Navy Drill ay ang guided-missile destroyer na USS Chung-Hoon.
Ang tinuturing na "powerful warships" ng U.S. Navy ay galing pa ng Pearl Harbor sa Hawaii.
No comments:
Post a Comment