Tuesday, June 14, 2011

Pagsasanay ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard, paghahanda sa pagbabantay sa mga coastline ng bansa

RMN News, Tuesday, June 14, 2011

IBINUNYAG ng palasyo ng MalacaƱang na nagsasanay na ang mga kawani ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard sa pag-gamit ng bagong sasakyang pandagat ng Pilipinas na Hamilton Class Cutter na bago lang nakuha ng gobyerno.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda inihahanda na ang naturang sasakyang pandagat upang magamit agad ito sa oras ng pangangailangan.

Ngunit iginiit nito na gagamitin lang ang Hamilton Cutler upang bantayan ang napakalaking coastline ng bansa pati na ang pagbabantay sa environmental protection tulad na lamang ng smuggling ng black corals sa Sulu Sea.

Sinabi naman nito na iiwan nalamang nila sa Department of National Defense kung ano pa ang ibang pag-gagamitan ng naturang sasakyang pandagat.

rmnnews.com

No comments:

Post a Comment