LA UNION – Sa kabila ng namumuong tensyon sa Spratly Islands, magsasagawa ngayong araw ng pagpapatrolya sa Scarborough Shoal ang Philippine Navy gamit ang flagship at pinakamalaking warship na BRP Rajah Humabon.
Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Commander Celestino Abalayan, sinabi nito na magtutungo ang kanyang hukbo sa Scarborough upang malaman ang kalagayan ng teritoryo ng Pilipinas at nais rin nilang maipakita sa mga karatig-bansa na nagsasagawa rin ang mga ito ng territorial defense operations.
Sa kasalukuyan ay nasa Poro Point, lungsod ng San Fernando, La Union ang BRP Rajah Humabon at anumang oras mamayang hapon ay magtutungo na ito sa naturang isla.
Mananatili umano doon ng dalawa hanggang tatlong oras ang nasabing barko upang mag-obserba para sa seguridad ng bansa at pagkatapos ay muli itong babalik sa Naval Base Cavite.
Nilinaw ni Abalayan na ang kanilang pagbisita sa Scarborough Shoal ay walang kinalaman sa isyu sa Spratly Islands at bahagi lang ito ng kanilang routine patrol sa West Philippine Sea.
Ang Scarborough Shoal ay matagpuan sa West Philippine Sea, 198 kilometer mula sa kanluran ng Subic Bay at may lawak itong 150 square kilometers.
Maliban sa Pilipinas ay inaangkin din ng bansang China ang Scarborough Shoal kung saan pinaniniwalaang sagana sa mga yamang-dagat ang lugar.
bantayan nyo yan mga impaktong chinesse na yan! mga bwisit lang yan mga yan puro peke naman mga dinadala nila dito! kaya yan ng pilipino pati barko nila peke lang din yan parang china phone!
ReplyDelete