Taliba, Thursday, June 16, 2011
NANINIWALA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na lalo pang lalakas ang ugnayan ng mga bansang sangkot sa West Philippine sea issue sa nagpapatuloy na combinednaval exercise sa bahagi ng Malacca strait, Sulu Sea at Celebes Sea.
Sa pahayag ni Exercise Director, Philippine Navy Captain Sebastian Pan, target umano ng 10-day Southeast Asia Cooperation and Training (SEACAT) ay ang pagpapatibay ng regional coordination, information sharing at inter-operability capability ng mga participating navies sa rehiyon. Kabilang sa mga kalahok sa ensayo na nagsimula kahapon ay Pilipinas, Brunei, Indonesia, Malaysia at Thailand.
Ang mga nabanggit na bansa ay kabilang sa mga claimant-states sa pinag-aagawang teritoryo sa Spratly Islands.
Sa panig ng Pilipinas, kabilang sa mga kalahok sa training ay ang tatlong barko mula sa Naval Forces West (NFW) Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM) at Naval Forces Western Mindanao (NFWM).
"This activity will involve surface, air, and special operations units in the conduct of surveillance, tracking nd boarding of the center of interest from the different participating navies within their respective maritime territories," pahayag ng opisyal.
Maliban sa nabanggit na mga bansa, kalahok din sa taunang naval training ang puwersang ng United States Navy.
No comments:
Post a Comment