Ni Verlin Ruiz
Remate, Martes, Agosto 10, 2010
Lalaong pinag-ibayo ng Philippine Navy at Philippine
Coast Guard ang kanilang sinasagawang search and rescue
operations para sa lumubog na cargo ship na SF Freighter
na may lulang bakal sa may bisinidad ng Romblon.
Ito ay matapos na matagpuan ang kapitan ng barko at
isang tripulante nito habang isa pang crew ang nakitang
bangkay na ng mga tauhan ng coast guard kahapon.
Ayon kay Navy spokesman Marine Col. Edgard Arevalo,
tuloy tuloy ang ginagawang search and rescue operation
ng mga sea asset ng Philippine Navy na malapit sa area
habang bandang alas 10:30 ng umaga kahapon ay lumipad
din ang Phil Navy Cessna 330 at ang PN Cessna 324 para
hanapin ang nalalabing 12 pasahero.
Iniulat ng Philippine Coast Guard na natagpuang buhay
ang kapitan ng barkona si Jolito Cortejos at isa pang
crew nito subalit patay na nang makita ang isang crew
ng SF Freighter 498 ton cargo vessel na iniulat na
nawawala noong pang Sabado ng madaling araw sa Isabela
Island sa Romblon
Saklaw ng expanded 900 nautical miles search and rescue
ang bisinidad ng General Luna, Quezon.
Ang MV SF Freighter, na lulan ang 16 na mga tripulante
at kapitan ay mula sa Metro Manila at patungo sana ng
Cebu, subalit pagdating sa Dos Hermanas Island sa
Marinduque ay sinalubong ng malalaking alon ang barko
at hindi na gumana ang makina at nawalan na rin ito ng
radio signal.
Mabuti na lamang ay nakapag-ulat pa ang kapitan ng narko
sa may-ari na si Henden Chua ng Sea Food Shipping Company
na nakabase sa Bacolod City.
No comments:
Post a Comment