Ni: Bobby C Ticzon
TALIBA, Agosto 5, 2010, Huwebes
INARESTO ng mga tauhan ng Philippine navy ang
labingisang sinasabing smugglers nang magtangka
silang magpalusot ng mga kargamento sa Lamion,
Tawi-tawi.
Naharang ng mga tauhan ng BRP Dioscoro Papa ang
M/L Paharta sa pagtatangkang ipasok ang mga iligal
na kargamentong nagkakahalaga ng P6.42 million.
Kabilang dito ang 3,400 sako ng Vietnam rice, 300
sako ng asukal at iba pang undocumented taxable
cargos na mula naman sa Sabah, Malaysia.
Dalawa sa mga inaresto ang nagpakilalang Custom
agents at sinasabing inaresto ang mga tripulante
ng ML Paharta subalit bigo ang mga itong mag pakita
ng mission order.
Inihahanda ng awtoridad ang pagsasampa ng kaso laban
sa mga suspect.
No comments:
Post a Comment