Ni: MO
POLICE FILES, Agosto 5, 2010, Huwebes
UMAABOT sa 11 katao na diumano mga smuggler ang naresto
ng mga Philippine Navy makaraang tangkain na magpalusot
ng mga kargamento sa lamion, Tawi-tawi.
Dalawa sa mga naaresto ang mga nagpapakilalang custom
agent makaraan mabigong magpakita ng kanilang mission
order na 'di umano'y inaaresto ang mga tripulante ng
ML Paharta.
Nabatid na naharang ng BRP Dioscoro Papa ang M/L Paharta
nang tangkain nito ipasok ang mga kargamento na
nagkakahalaga ng P6.42 million.
Kabilang sa mga itinangkang ipuslit ay may 3,400 sako
ng Vietnam rice, 300 sako ng asukal at iba pang undocument
taxable cargos na mula sa Sabah, Malaysia.
Sa kasalukuyan ay inihahanda na ng mga awtoridad ang
paghaharap ng kaso laban sa mga naaresto.
No comments:
Post a Comment