Ni: Fer taboy
BALITA, Hulyo 27, 2010
Nag pahiwatig ang pamahalaan na maglulunsad ng malaking
pagsalakay sa bandidong Abu Sayyaf sa pagpapadala ng
karagdagang elite forces ng Armed forces of the Philippines
(AFP) sa Mindanao.
Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Jose mabanta,
ipinadala na ng AFP noong Biernes ang karagdagang tropa
na pawang kasapi ng elite forces upang tugisin at durugin
ang bandidong Abu Sayyaf sa Western Mindanao.
Ipinadala ng AFP ang 23 miyembro ng Naval Operations Group
(Navsog) ng Philippine Navy sa lalawigan ng Tawi-Tawi at
Zamboanga upang tumulong sa digma ng militar sa terorismo.
Sinabi ni Navy Spokesman Lt. (Sg.) Rommel Rodriguez na
ang grupo ay kinabibilangan ng mga miyembro ng elite forces
ng Hukbong Dagat.
"They were deployed to reinforce the Armed Forces' fight
against (terrorists) in Mindanao, which they vowed to put
an end to as pronounced by the AFP," ani Rodriguez.
Ang team ay binibuo ng mga sundalong sinanay sa combat
operation sa lupa, himpapawid at karagatan gaya ng US
Navy SEALs, na umalis sa Villamor Air base sa Pasay City
sakay ng C-130 palne at ilang sundalong nanguna na sa
pagdurog sa puwersa ni Abu Sayyaf spokesman Abu Sabaya sa
Zamboanga noong 2002.
Tututukan ng militar ang Tawi-Tawi at Zamboanga na
sinasabing strongholds ng Abu Sayyaf na isinasangkot sa
mga pambobomba at kidnapping sa Mindanao at Metro Manila.
No comments:
Post a Comment