Ni Beth A.
Remate, Huwebes, 12 Agosto 2010
Mismong ang dating militar at senador at ngayo'y congressman
na si Rep. Rodolfo Biazon ang nagpanukalang ibenta na ang mga
hindi na kinakailangang ariarian, kampo at lupain ng militar
sa buong bansa upang magamit sa modernisasyon ng Armed Forces
of the Philippines.
Dahil dito, hiniling ng dating senador sa kanyang panukala sa
Kamara na aprubahan ang kanyang panukala na nagbibigay ng
awtorisasyon kay Pangulong Benigno C. Aquino III na tukuyin
ang mga military real estate na maaaring ibenta.
Nanniwala ang kinatawan ng Muntinlupa na ang kanyang isinulong
na House Bill 1162 ay makatutulong sa pagtukoy ng mga pwedeng
ibentang military camps at reservations sa buong bansa para sa
mabilisang pagpapatupad ng planong modernisasyon sa AFP.
Matatandaang inihayag ni Pangulong Arroyo sa kanyang State of
the Nation Address na isa sa priority program ng kanyang
administrasyon ang AFP modernization kaya ikinokonsidera ang
alok na $100 milyon ng grupo ng ilang dayuhang mamumuhunan para
sa upa ng Philippine Navy Headquarters sa Roxas Blvd. at Naval
Station sa Fort Bonifacio.
Inalok din ng mga imbestor na kanila ring gagastusan ang paglilipat
ng PN headquarters sa Camp Aguinaldo at i-remit sa Philippine
government ang kikitain ng negosyong kanilang itatayo.
Ayon sa solon hindi lubos na naipapatupad ang Republic Act 7898,
na mas kilala na AFP Modernization Act, na naging batas noon pang
February 23, 1995 na may alokasyong P50 billion sa loob ng 5 taon
para sa modernization program.
Hinihiling ng nasabing panukala ang pagtatag ng Military Real
Estate Development Authority na siyang mangangasiwa sa pagbebenta
at pamamahala sa development ng military real estate.
No comments:
Post a Comment