Ni: Dang Garcia
HATAW, Agosto 5, 2010, Huwebes
INARESTO ng mga tauhan ng Navy ang 11 hinihinalang
smugglers dahil sa pagtatangkang ipalusot ang mga
kargamento sa Lamion, Tawi-tawi.
Naharang ng mga tauhan ng BRP Dioscoro Papa ang M/L
Parhata sa pagtatangkang ipasok ang mga kargamento
na nagkakahalaga ng P6.42 million.
Kabilang dito ang 3,400 sako ng Vietnam rice, 300
sako ng asukal at iba pang undocumented taxable cargos
na mula sa Sabah, Malaysia.
Dalawa sa mga inaresto ang nagpakilalang custom agents
at sinabibg inaresto nila ang nga tripulante ng ML
Parharta ngunit bigo silang magpakita ng mission order.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang pagsasampa ng kaso
laban sa mga naaresto.
No comments:
Post a Comment