Monday, April 26, 2010

75 pasahero, nailigtas sa tumirik na barko sa Quezon

Bomba Balita, Sunday, 14 February 2010

Nailigtas sa tiyak na kapahamakan ng mga tauhan
ng Philippine Navy ang mahigit 70 mga
pasaherong sakay ng isang passenger boat sa
lalawigan ng Quezon matapos na masiraan sa
gitna ng karagatan.

Nakaranas ng aberiya ang makina ng motor bangka na
M/B Raffy sa gitna ng karagatang sakop ng Infanta,
Quezon.

Sinasabing nasa 3.6 kilometers mula sa Dinahikan port
ang MB Raffy ng tumigil ang pag-ikot ng propeller nito
dahilan upang mawalan ng kontrol ang boat captain na
kinilalang si Zaldy Asagra.

Agad itong humingi ng saklolo sa mga tauhan ng Philippine
Navy na agad namang rumesponde.

Sa pangunguna ni PO2 Jaime Garcia, boat captain ng
DF-321 ay tinungo ng barko ilang Philippine Navy ang lugar
na kinaroruonan ng tumirik na barko.

Matagumpay na nasagip nito ang 64 na pasahero kasama
na ang siyam na tripulante ng M/B Raffy.

Napag-alamang galing Polilio Islands at patungong Real,
Quezon ang barko ng hampasin ng malakas na alon dahilan
upang maganap ang naturang aberiya.

No comments:

Post a Comment