Monday, April 26, 2010

2 commando ng Navy pinarangalan

Ngayon, Saturday, 02 January 2010

By: Joy Cantos

Pinarangalan nitong Biyernes ng Philippine
Navy ang labi ng dalawang bayaning commandos na
nagbuwis ng buhay sa pakikipag-engkuwentro sa
nagsanib-puwersang mga bandidong Abu Sayyaf at
rogue Moro Islamic Liberation Front sa Basilan
kamakailan.

Ayon kay Navy Spokesman Marine Lt. Col.
Edgard Arevalo, ang bangkay nina Lt. Christopher
Pantaleon ng Philippine Military Academy
PMA Class 2004) at Petty Officer 3rd Class
Almario Manalili ay dumating dakong alas-2:00
ng hapon kamakalawa sa Villamor Air Base sa Pasay
City galing sa Zamboanga City.

Pinangunahan naman ni Navy Flag Officer-in-
Command Vice Admiral Ferdinand Golez ang
pagkakaloob ng ceremonial honors sa dalawang
bayaning Navy commandos na ginanap sa Naval
Station Rudiardo Brown sa Naval Station Jose
Francisco sa Taguig City kahapon ng umaga.
Naka-half mast naman ang lahat ng Naval
Stations sa buong bansa bilang pagluluksa sa
pagpanaw ng dalawang Navy commandos.

No comments:

Post a Comment