Monday, April 26, 2010

73 sa nasiraang bangka, nasagip ng Navy

Balita, Monday, 15 February 2010

By: Danny Estacio

CAMP NAKAR, Lucena City- Nasagip ng isang barko
ng Philippine Navy ang isang pampasaherong bangka
na nasiraan habang naglalayag sa Dinahican
Point sa Infanta, Quezon, noong Biyernes ng umaga.

Sa ulat ng Southern Luzon Command (Solcom),tumanggap
ng distress call si PO2 Jaime Garcia, kapitan
ng Navy boat DF321 na nakabase sa Puerto Real,
Quezon, mula kay Zaldy Azagra, kapitan ng M/B Raffy,
kaya agad na nagsagawa ng search and rescue operation
sa nasabing lugar, na may layong 3.6 kilometro sa
Dinahican Point.

Nailigtas ng Navy ang pampasaherong bangka mula sa
Polilio Island patungong Real, na may lulan na siyam
na crew member at 64 na pasahero.

No comments:

Post a Comment