Pormal nang nanungkulan bilang bagong commander ng Philippine Navy si Rear Admiral Alexander Pama.
Pinalitan ni Pama ang nagretiro nang si Rear Admiral Danilo Cortez.
Si Pama ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class '79.
Ginanap ang turnover of command sa Phil. Navy headquarters sa Maynila na dinaluhan ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.
Bago maging pinuno ng Navy, nagsilbi si Pama bilang vice commander ng Hukbong Pandagat at naging Naval Inspector General.
Naging kumander din ito ng Naval Forces sa Western Mindanao at ng Anti-Terrorism Task Group ng Philippine Navy.
Dati itong chief of staff ni dating Defense Sec. Gilbert Teodoro.
Samantala, kasabay naman ng kaniyang pagretiro ay ginawaran si Cortez ng Philippine Legion of Honor na may degree na commander.
Samantala, kasabay ng change of command ceremony, tiniyak ni Pangulong Aquino na susuportahan ang modernization program ng Phil. Navy.
Malaki aniya ang ginagampanang papel ng Hukbong Pandagat partikular sa pagbibigay proteksyon sa karagatan ng bansa partikular kung saan may mga oil exploration kagaya ng Kalayaan Group at Malampaya.
No comments:
Post a Comment