Sunday, January 23, 2011

34 Nawawalang Mangingisda, Nasagip ng Navy

By Pasky Natividad
Saksi, Monday, 24 January 2011

Nailigtas ng Philippine Navy ang 34 mangingisda sa Paly Island, Taytay, Palawan matapos na agad ilunsad ng Naval Forces West (NFW) Command na nakabase sa Puerto Princesa City ang BRP Rizal (PS74).

Ang F/B Jonathan I, na kinalululanan ng mga ito ay isa sa 13 sasakyan na iniulat na nawawala simula noong nakaraang Linggo, January 16 dahil sa malakas na hanging dala ng northeast monsoon. Ang mga nailigtas na mangingisda na mula sa Occidental Mindoro at PPC ay kinikilala ni Ms Norie Esparagoza, ang may-ari ng F/B Jonathan.

Agad nilapatan ng paunang lunas ang mga nakaligtas matapos silang matagpuan ng grupo ng Navy. Samantala, habang isinusulat ito ay patuloy pa rin ang PS 74 sa search and rescue para sa tatlo pang mangingisda sa karagatan ng Roxas at Linapacan.

Nakilala ang mga itong sina Bong Escondo, Bito Roldan at Limuel Tirincio. Nauna rito, matagumpay ring nailigtas ng PS 74 ang pitong mangingisda mula sa M/V marlette Joy.

Dinala ang mga nakaligtas sa Puerto Princesa City at inihatid sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang PS 74 ay pinamumunuan naman ni Capt. Elpidio F. Francisco PN(GSC).

"The Navy is perpetually ready to respond to various distress calls. We will remain commited to be at the forefront of humanitarian and development endeavors in support to national government for the welfare of our fellow Filipinos." Ang pahayag ng opisyal.

No comments:

Post a Comment