Thursday, September 2, 2010

P1 M HALAGA NG TROSO NASABAT

Ni Edwin Balasa
Abante, Thursday, August 26, 2010

Umaabot sa P1 mil­yong halaga ng iba’t ibang uri ng troso ang
nasabat ng mga tauhan ng Philippine Navy sa ginawang magkasunod
na operasyon sa lalawigan ng Sorsogon at Quezon.


Ayon kay Ensign Denver Ramon, tagapagsalita ng Naval Forces
Southern Luzon (NAVFORSOL), nakuha nila ang iba’t ibang uri
ng kahoy sa dalawang lalawigan kamakalawa subalit wala silang
nadakip na mga suspek matapos na makatunog ang mga ito sa
operasyon.


Unang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Navy ang mga kahoy sa
bayan ng Balogo sa lalawigan ng Sorsogon at agad na sinunod ang
kanilang operasyon sa Real, Quezon.


Nabatid na isang tip ang kanilang natanggap mula sa mga concerned
citizen na mayroon umanong ibibyaheng ile­gal na troso sa nasabing
lalawigan kaya agad na nakipag-ugnayan ang mga operatiba sa
Community Environmental Resources Office upang isagawa ang
operasyon.


Subalit wala ng inabot na mga suspek ang awtoridad nang isagawa
ang raid kaya posible umanong nakatanggap na rin ng tip ang mga ito
sa gagawing pagharang sa kanila kaya iniwan na lang ang mga kahoy
at nagsitakas na ang mga ito.


Dinala ang mga nakumpiskang troso sa tanggapan ng Department of
Environmental and Natural Resources (DENR) habang patuloy na
nagsasagawa ng follow-up operation ang awtoridad sa posibleng
pagdakip sa mga suspek.

No comments:

Post a Comment