Thursday, September 2, 2010

Marines tumanggi sa suhol pinarangalan

Ni Joy Cantos
Pilipino Star Ngayon, September 02, 2010

Pinarangalan ng mga opisyal ng Philippine Marines ang isa sa
kanilang sundalo na sinasabing tumanggi sa suhol noong kasagsagan
ng May 10, 2010 national elections sa bayan ng Patikul, Sulu.

Ito ang inihayag kaha­pon ni Navy spokesman Marine Lt. Colonel
Edgard Arevalo, na tinukoy ang pi­narangalan mula sa tropa ng
Marine Battalion Landing Team (MBLT) 5.

Ayon sa ulat, ang mga sundalo ng MBLT 5 sa ila­lim ni ex-Philippine
Marines Commandant Major Gen. Juancho Sabban na nagti­yagang
nagbabantay sa polling precinct sa Baran­gay Buhanginan sa na­banggit
na bayan ay hindi ipinagpalit ang kani­lang dignidad at hindi
nag­pa­silaw sa tukso ng salapi.

Iprinisinta ni Sabban sa lider ng 15-men team ng MBLT 5 na si 2nd
Lt. Mar­celo Flores na tumangging kunin ang P.1 milyong su­hol ng mga
mandara­yang lokal na kandidato.

Sinabi ni Arevalo na ang tropa ni Flores ay nila­ pitan ng mga lider
ng campaign at supporters ng ti­waling lokal na kandidato na inalok
ang mga ito ng ma­laking halaga para ma­­ka­pandaya sa eleksyon pero
tumanggi ang mga sundalo na lisanin ang kanilang binabantayang
polling precinct.

“They wanted the Marines to leave the school to let the unscrupulous
politicians to fill up the remaining ballots for their favored
candidates,” ayon kay Are­valo kaugnay sa salaysay ni Pfc. Rhomel
Divina.

Napag-alamang tinang­gihan ni Divina ang suhol na sinabing kapalit
ng 300 balota ang nais ng mga mandaraya na sila ang mag-fill up sa
nasabing poll­ing precints kaya pina­aalis ang mga sundalong nagbabantay
dito.

Nabatid pa na ang MBLT 5 ay pinamumunuan ni Lt. Col Camilo Balutan na matinding disiplina ang itinanim sa kaniyang mga tauhan.

2 comments:

  1. Believe talaga ako sa mga philippine marine. saludo ako sa inyo gusto ko rin maging sundalong marine. na may dignidad... proud to be pinoy...

    ReplyDelete
  2. proud talaga ako sa mga suundalo... binubuwis nila buhay nila para sa bansa...

    ReplyDelete