Saksi, Monday, 13 September 2010
Dahil sa ilang mga pagbabago na ipinapatupad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para mas lalong maging epektibo sa kanilang misyon at mapanatili ang kapayapaan at seguridad, ilan sa mga tinitignan ngayon ang pagpapatupad na ng "Fleet Marine concept" at ang pag-deactivate ng Joint Task Force Comet na nakabase sa probinsya ng Sulu.
Ayon kay Western Mindanao Command (Westmincom) commander Lt. Gen. Ben Dolorfino, kinakailangan na ring palitan ang kasalukuyang estratehiya ng militar partikular sa mga inilulunsad nitong opensiba laban sa mga bandidong Abu Sayyaf at iba pang mga armadong rebelde.
Naniniwala si Dolorfino na ang pagpapatupad ng "Fleet Marine concept" na strategy sa mga military operation ay isang epektibong paraan sa pagtugis at pag-neutralize sa mga terorista sa bahagi ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Paliwanag pa ng heneral, sa "Fleet Marine concept" mas paiigtingin ng militar ang kanilang sea maneuvers pwera sa ground at aerial operation.
Layunin nito para mabawasan ang human casualties sa labanan.
Sa kasalukuyan ang JTF Comet ang siyang tumututok sa lahat ng mga operasyon ng militar sa probinsiya ng Sulu.
Dagdag pa ni Dolorfino ang Naval Forces Western Mindanao ang tututok nito at isang deputy commander for ground operation ang itatalaga.
Sa kasalukuyan pansamantalang si 3rd Marine Brigade commander B/Gen. Mario Montejo ang OIC ng JTFComet ito'y bunsod sa pagtatalaga kay M/Gen. Rustico Guerrero bilang bagong commandant ng Philippine Marine Corps.
No comments:
Post a Comment