Napag-alaman kay Philippine Navy spokesman Lt. Col. Omar Tonsay, ginawa nila ang pagbabaklas sa mga “naligaw” na markers ng mga dayuhan noon pang nakaraang buwan bago protestahin ang umiinit ngayong “illegal” na pagtawid diumano ng Chinese Navy sa Filipino territorial waters.
“They were foreign markers because they were not installed by our military or our government. So we dismantled them because they are part of Philippine territory,” ani Tonsay sa panayam ng Agence France Presse.
Kamakailan lang ay inakusahan ng Pilipinas ang China ng pagtatayo ng mga poste at ng isang ‘buoy’ sa katubigang inaangkin ng Pilipinas pero hindi naman matiyak ni Tonsay kung mga Chinese markers ang pinagbabaklas nila.
“They did not have a ‘Made in China’ label or anything,” anang koronel na nagsabing mga numero lang ang nakasulat sa tinibag nilang mga “foreign” markers.
Samantala, tiniyak naman ng Philippine Navy na hindi sila tutulad sa Vietnam, isa ring claimant sa Spratlys, na nagsagawa ng “live fire” exercise sa pinag-aagawang teritoryo.
“We are not governed by what other countries do. We have our own. Just because Vietnam did it, hence we will also do it, no. We have our own strategy. Such case is situational aside from the fact that we have our own programs on the things we are doing,” ani Navy chief Admiral Alexander Pama.
Noong araw ng Martes, nagsagawa ang Vietnam ng live fire exercises sa loob ng kanilang inaaring isla sa Spratlys sa gitna ng umiinit na isyu na posibleng madulot ng pagsiklab ng labanan ng mga bansang nakikipag-agawan sa mga isla, kasama ang China.
Kaugnay nito, kinumpirma ni Pama na tinanggal na ng Navy ang mga istrukturang inilagay ng China sa loob ng KIG (Kalayaan Island Group), tawag ng Pilipinas sa inaangking parte ng Spratlys.
“Lumabas naman na ata e ‘yung mga tinanggal natin, pero gusto ko muna na magpaalam sa taas para wala tayong masagasaan,” ani Pama, hinggil sa paglalabas ng mga nakuhang litrato ng mga istruktura.
No comments:
Post a Comment