Ni Bobby Ticzon
TALIBA, Sabado, Hunyo 26,2010
TUMIMBUWANG sa labanan ang dalawang miyembro ng
al-Qaeda-linked Abu Sayyaf group habang apat na
sundalo ang malubhang nasugatan sa magkahiwalay
na engkuwentro sa Sulu, ayon sa ulat kahapon ng
Navy spokesman.
Bukod dito, nakubkob din ng tropa ng pamahalaan
ang command at control facility at satellite
camp ng pinagsanib na puwersa ng ASG bandits at
Moro National Liberation Front (MNLF) rebels sa
Talipao town, ayon kay Lt. Col. Edgard Arevalo.
Sinabi ni Arevalo na ang bakbakan ay nag umpisa
dahil sa huling panghaharas sa development
projects ng probisya ng mga enemy forces, kaya
ini-report agad ng mga sibilyan sa lugar sa
military ang pagkilos ng mga bandido.
Nagsiklab ang unang bakbakan dakong alas 10 ng
Martes ng umaga sa Barangay Mahala nang
maka-engkuwentro ng mga sundalo ang mga tumakas
na ASG at MNLF forces habang ang pangalawa namang
bakbakan ay naganap ng bandang hapon na.
Nang mahawi ang usok, dalawang hindi nakilalalng
ASG ang natagpuang nakatimbuwang habang apat na
sundalo naman ang nasugatan. Nakarekober sa kampo
ng 2 rifles at iba't ibang uri ng bala.
Kinilala naman ni Col. Romeo Tanalgo, commander
ng 2nd Marine Brigade, ang lider ng MNLF forces
na si Habier Malik na sinasabing kaalyado ni Abu
Sayyaf leader Yasser Igasan.
No comments:
Post a Comment