Taliba wire monitoring
TALIBA, Linggo, Hunyo 13, 2010
NAIS umano ni Presidente-elect Noynoy Aquino
na mapabilang sa Presidential Security group
(PSG) ang apat na honoe guards sa libing ng
yumaong inang si dating pangulong Cory Aquino.
Ito ay dahil sa nasukat umano sa pagkakataogn
iyon ang tibay at dedikasyon ng apat na honor
guard sa libing ng kanilang ina.
Kung maaalala, siyam na oras tumayo sa ilalim
ng ulan at araw ang apat na honor guards na
sina PO1 Danila Malab Jr., Pfc. Antonio Cadiente,
Airman 2nd Class Gener Laguindam, at Navy Petty
Officer 3 Edgardo Rodriguez.
Sinasabing sapat na sukatan na iyon kay Noynoy
upang ipagkatiwala sa kanila ang seguridad ng
kanilang pamilya habang nasa MalacaƱang.
Ayon sa isa sa mga honor guard, masaya sila
dahil sa ikalawang pagkakataon ay paglilingkuran
nila ang pamilya Aquino.
Inaasahan din ng apat na honor guards na unti-
unting made-develop ang pakikipagkaibigan sa
kanila at sa pamilya Aquino.
Napag-alaman na dahil sa isang Pangulo na
kanilang babantayan, ay sasailalim sila sa
tinatawag nilang VIP schooling o training.
Kinakailangan kasing matikas at matalino ang
bawat miyembro ng PSG gayundin ang pagiging
handa sa pagsalag ng bala para iligtas ang
Pangulo ng bansa.
No comments:
Post a Comment