Showing posts with label combat Service and support brigade. Show all posts
Showing posts with label combat Service and support brigade. Show all posts

Thursday, June 9, 2011

MajGen Ramiro A. Alivio AFP, magiting na Naval Inspector General, trabaho lang!

By Pasky Natividad
Saksi sa Balita, Thursday, June 9, 2011

Mga katoto kamakailan ay personal na nakapanayam ng inyong katoto si MajGen. Ramiro 'RAM' A. Alivio, produkto ng Philippine Military Academy (PMA) Class'79, kung saan kasalukuyang Inspector General ng The Naval Inspector General (TNIG) isang marangal at huwarang Heneral ng Philippine Marine Corps. (PMC), kung saan bantad sa karanasan, maging sa pakikipagtungo at pakikibaka sa katotohanan wika ni katoto, "TRABAHO LANG", naalalaumbagay sa matiyagang pagpupunyagi, naipamalas ang dakilang layuning maitaas ang antas ng PMC.

Batid niyo ba mga katoto, dumanas na ng kung ilang madugong engkentro simula pa ng maitalagang Tinyente hanggang LtCol si katotong Alivio sa ilang kritikal na lugar bago nito narating ang tugatog ng tagumpay hanggang sa maitalaga itong Brigade Commander ng Combat Service and Support Brigade, at sa kasalukuyang bilang The Naval Inspector General (TNIG), patuloy na nagsasagawa ng Annual General Inspection (AGI) sa buong Philippine Navy (PN) Units ng bansa.

Ayon kay katotong Alivio, sa pamamagitan ng AGIs ang Office of The Naval Inspector General(OTNIG) ay nagtamo ng napakahalagang accomplishment na nakadagdag ng malaking pagbabago sa PN units, kung saan posibleng naganap ito sa pamamagitan ng pag adapt ng bagong PN AGI Process para sa taong 2010 na inaprobahan ni katotong PN FOIC, Vice Admiral Alexander Pama nitong nakalipas na buwan ng Enero kung saan may tatlong pangunahing AGI Ratings kabilang na dito ang Performance Rating, OPREVAL, at Rating in Unit Efficiency Rating.

Sa ilalim ng PN AGI Performance Rating mga katoto ay may apat na pangunahing criteria kabilang na dito ang Office Management, Accomplishment Validation, Drills and Exercises, Morale and Discipline Survey (MADS), at ang Inspection of Personnel and Barracks, kungsaan ang tanging layunin ng nasabing emphasis ay maimpluwensiyahan ang PN units na mag ambag ng kanilang sariling pinaiiral na polisiya at pamamaraan na pinaguutos ng Higher Headquarters.

Gayon din ang pinaiiral na Operational Readiness Evaluation Ratings (OR) na may limang bahagi kabilang na ang Personnel Readiness, Training Readiness, Equipment Readiness, Maintenance readiness, at Facilities, kung saan ang readiness condition ng PN ay bahagyang nabago noong nakaraang taong rating na 62.5% kumpara sa ngayong taon rating na 66.2% kung saan ang PR bilang naging output ng yunit at ang OR naman ang siyang naging input ng yunit na kapuwa ito nagdulot ng basehan na makuha ang Efficiency Rating (ER) ng yunit, ito ang magandang basehan para sa assessment kumpara sa mga yunit na nais masubok ang kagalingang makagawa ng bagay na maiambag sa PN sa kabila ng pinagkukunang kaloob sa yunit sa parte ng naturang Operational Readiness.

"With these notable contributions, the Office of The Naval Inspector General is confident that the Philippine Navy, our Navy, will become strong and credible 2020, " wika pa ni katotong Alivio. Onwards Philippine Navy