With ASM report
Bomba, Huwebes, Hunyo 17,2010
Dinala na sa headquarters ng Philippine Marines sa Isabela City ang naarestong Abu Sayyaf group (ASG) sub-leader sa isinagawang operasyon ng militar sa Lantawan, Basilan, kaninang umaga.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo, nahuli ng mga elemento ng Marine Battalion Landing Team (MBLT-1) ang suspek na si Kaiser Said Usman alyas Kaiser Said, sa Sitio Kagiit, Barangay Bulan-Bulan, pasado alas-singko ng umaga.
Si Said ay sinasabing may P1.2 million na reward sa kaniyang ulo dahil sa kasong kidnapping.
Nauna rito, naglunsad ng operasyon ang MBLT-1 sa pangunguna ni Lt. Col. Fernando Gomez sa kuta ni Kaiser at sa kapatid nito na si Algader Said alyas Talha, na kabilang sa mga tumakas noong December 2009 sa Basilan Provincial Jail.
Sinalakay umano ng mga elemento sa ilalim ni 2Lt. Celis ang safehouse ng ASG leader.
Ito ay may outstanding warrant na inisyu ni Judge Bucoy ng RTC Branch 3 na may petsang Mayo 4, 2009 at mga case Nos. 3537-11293608-1164, 3611-1165 at 3674-118.
Narekober ng mga otoridad ang isang M-16 armalite rifle, isang rifle grenade at mga ASG documents.
Nilinaw naman ni Westmincom chief M/Gen. Benjamin Dolorfino, walang naging casualty o sugatan sa mga tropa ng gobyerno.
No comments:
Post a Comment