By: Juncho Eraso
TORO, Huwebes, Hunyo 17, 2010
Dinala na sa headquarters ng Philippine Marines
sa Isabela City ang naarestong Abu Sayyaf Group
(ASG) sub-leader sa isinagawang operasyon ng
militar sa Lantawan, basilan, kaninang umaga.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo, nahuli
ng mga elemento ng Marine battalion Landing Team
(MBLT-1) anh suspek na si Kaiser Said, sa Sitio
Kagiit, Barangay Bulan-Bulan pasado ala-singko ng
umaga.
Si Said ay sinasabing may P1.2 million na reward
sa kaniyang ulo dahil sa kasong kidnapping.
Nauna rito, naglunsad ng operasyon ang MBLT-1 sa
pangunguna ni Lt. Col. Fernando Gomez sa kuta ni
Kaiser at sa kapatid nito na si Algader Said alyas
Talha, na kabilang sa mga tumakas noong December
2009 sa Basilan Provincial Jail. Sinalakay umano
ng mga elemento sa ilalim ni 2Lt. Celis ang
safehouse ng ASG leader.
Narekober ng mga otoridad ang isang M-16 rifle,
isang rifle grenade at nga ASG documents.
No comments:
Post a Comment