Abante, Thursday, 20 August 2009
By: Jojo de Guzman
L1NGAYEN, Pangasinan - Panalangin at pagkilala
ang ipinagkaloob ng Sangguniang Panlalawigan sa
4 na sundalong Pangasinense na kasama sa 23
sundalong nasawi sa madugong bakbakan sa pagitan
ng puwersa ng pamahalaan at mga bandidong
Abu Sayyaf noong Agosto 5 sa Tipo-tipo, Basilan.
Sa pamumuno ni Vice Governor Marlyn
Primicias-Agabas, pinagtibay ang resolusyon na
kumikilala sa kabayanihan nina First Lieutenant
Dhel Jhun Evanghelista ng 3rd Light Reaction Company,
Private First Class Richie Estrada, Sergeant
Aguedo Casiano at Sergeant Johnny Corpuz ng
Philippine Marines.
Nabatid na nagtapos si Evangelista bilang
cum laude sa Philippine Military Academy Class
2006 at siya ay tubong Bgy. Estanza, Lingayen,
mula naman si Casiano sa Bgy. Balsa, Agno
samantalang si Corpuz ay mula sa bayan ng Mangatarem.
Si Estrada na nagdiwang sana ng kanyang kaarawan
noong Agosto 14, ay napaulat na nilaslas pa ang leeg nito.
No comments:
Post a Comment