By Debra Bellosillo
Police Files Tonite, Wednesday, April 6, 2011
Isinapinal na kahaponb ang pormal na pagsimula ng taunang RP-US Balikatan war exercises sa pamamagitan ng simpleng seremonya na isinagawa sa Camp. Gen. Emiliio Aguinaldo sa Quezon City.
Ipinahayag kinatawan ng U.S. Embassy na limitado lamang ang mga U.S servicemen na lalahok ngayon sa nasabing war exercise dahilan sa marami sa mga sundalo ang umasiste sa relief efforts sa Japan.
Ayon kay Philippine Navy Rear Admiral Victor Emmanuel Martir, 2011 RP-US Balikatan war exercise Executive director, higit kailanman mahalaga ngayon ang kahandaan hindi lamang sa digmaan kundi sa mga trahedya, sakuna at mga uring kalamidad.
Sentro ng Balikatan exercises ngayong taon ay mapanatili ang kahandaan ng mga tropa ng dalawang bansa lalo na sa mga natural disasters at iba pang mga krisis na banta sa seguridad at kalusugan ng mamamayan.
Ang ika-27 RP-US Balikatan exercises ay magtatapos sa Abril 15 na liban sa ilang field training exercises tampok din ang medical at construction activities lalo na sa bahagi ng Tarlac at Zambales.
No comments:
Post a Comment