Sunday, March 27, 2011

6 Intsik tiklo sa illegal fishing

By M. Obleada/D. Bellosillo
Police Files, Saturday, March 26,2011

Inaresto ang anim na Chinese national ng mga otoridad dahil sa illegal na pangingiisda sa karagatan malapit s aBalabac Palawan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang 6 na dayuhan na nahuli na sina Li Yin Chi, 17, Li Yin Chin, 56, Lia Tong Win, 14, Pai Chong Kwe, 56, Pang Lung So, 31 at Tsung Biao, 17.

Ayon kay MGen. Juanchi Sabban, Commander ng Western Mindanao Command, dakong 5:30 ng hapon nang masabat ng pinagsanib na puwersa ng Marine Battalion Landing Team, Bureau of Fisheries at Aquatic Resources, and Department of Environment and Natural Resources ang mga dayuhan sa karagatan na sakop ng Ramos Island Balabac, Palawan.

Ang 6 na dayuhan ay gumagamit sa isang speedboat na may 60 horsepower engine na nanghuhuli ng mga sea turtle na kabilang sa mga endager species.

Tinangka pa umanong tumakas ng mga nasabing dayuhan nang makita ang mga paparating na mga otoridad ngunit naabutan din ito nga mga oyoridad.

Nasamsan sa mga dayuhan ay 7 buhay na sea turtle at 2 patay na sea turtle, net at isang uri ng kemikal na pinaghihinalaan ginagamit ng mga dayuhan sa paghuhuli ng mga pawikan.

Sa kasalukuyang ang mga nasabing dayuhan ay itinurn-over sa Balabac Police Station at inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga ito.

No comments:

Post a Comment