Tuesday, December 14, 2010

500 Marines tigil muna sa 10-taong pakikipagbakbakan

By: Joy Cantos
Pilipino Star Ngayon, Wednesday, Disyembre 15, 2010

MANILA, Philippines - Matapos ang isang dekada o 10 taong pagsabak sa combat operations, nabigyan ng pagkakataon para sa Christmas break at reunion ang isang batalyon o 500 tropa ng Philippine Marines.

Pinayagan nang makauwi sa kani-kanilang mga pamil­ya ang mga elemento ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 6 makaraan ang mahabang panahong walang puknat na pakikipaglaban sa iba’t ibang klaseng kriminal partikular ang bandidong Abu Sayyaf Group sa Basilan, Tawi-Tawi, North Cotabato at maging sa Lanao del Norte.

Ang naturang grupo ay elite force na panlaban sa mga ASG dahil sa kakaibang training ng mga ito.

No comments:

Post a Comment