Bomba, Nobyembre 29, 2010
Pinarangalan ng International Maritime Organization sa London ang tatlong Pinoy na kabilang sa four man task force sea marshals na tumulong para ilikas ang mga pasahero ng lumubog na Super Ferry 9 noong Setyembre 6, 2009.
Magugunitang naganap ang insidente sa baybayin ng Siocon sa Zamboanga del Sur, kung saan siyam ang nasawi mula sa mahigit 900 pasahero nito.
Kabilang sa mga binigyan ng pagkilala sina Navy gunner mate third class Anifer Bucao; Fireman first class aviation mechanic Oliver Cogo at Petty officer 2nd class Samuel Boniol ng Philippine Coast Guard (PCG).
Nabatid na iginawad ni IMO Sec. Gen. Eftimios Mitropoulus ang parangal kasabay ng 88th session ng Maritime Safety Commission meeting na ginanap sa United Kingdom.
No comments:
Post a Comment