Tuesday, November 30, 2010

Photo on Manila Bulletin re 147th Birth Anniversary of Gat Bonifacio





By:
Manila Bulletin, Wednesday, 01 December 2010


Manila Marks 147th Birth Anniversary of Gat Andres Bonifacio - Manila Mayor Alfredo S Lim (left) and Lt Commander Efren Madlangbayan of the Philippine Navy lead guests in the celebration of the 147th birth anniversary of Gat Andres Bonifacio at the Bonifacio Shrine yesterday, Nov 30, 2010.










Photo on X-Files re 147 Birthday Anniversary of Gat Andres Bonifacio


By: Tony Cunanan
X-Files, Wednesday, 01 December 2010


Ipinagdiwang ang ika-47 taong kaarawan ni Gat Andres Bonifacio na ipinanganak sa Tondo, Maynila at pinangunahan ni Manila Mayor Alfredo S Lim, Lt Commander Phil Navy Efren Madlangbayan, mga kaanak ni Espiridiona Bonifacio Distrito, DepEd Mla Dr Ponciano Menguito, Gemma Cruz Araneta at Knight of Columbus ang pag-aalay ng mga bulaklak sa Bonifacio Shrine Arroceros St, Malate, Manila.











Monday, November 29, 2010

3 Pinoy sea marshals, pinarangalan sa UK

Bomba, Nobyembre 29, 2010

Pinarangalan ng International Maritime Organization sa London ang tatlong Pinoy na kabilang sa four man task force sea marshals na tumulong para ilikas ang mga pasahero ng lumubog na Super Ferry 9 noong Setyembre 6, 2009.

Magugunitang naganap ang insidente sa baybayin ng Siocon sa Zamboanga del Sur, kung saan siyam ang nasawi mula sa mahigit 900 pasahero nito.

Kabilang sa mga binigyan ng pagkilala sina Navy gunner mate third class Anifer Bucao; Fireman first class aviation mechanic Oliver Cogo at Petty officer 2nd class Samuel Boniol ng Philippine Coast Guard (PCG).

Nabatid na iginawad ni IMO Sec. Gen. Eftimios Mitropoulus ang parangal kasabay ng 88th session ng Maritime Safety Commission meeting na ginanap sa United Kingdom.

3 Pinoy pinarangalan sa London

By: Alex Agne
Police Files Tonite, Sabado, Nobyembre 27, 2010

TATLONG Pinoy ang tumanggap
ng parangal sa mayamang bansang
London dahil sa ipinamalas
nilang kabayanihan.

Ang naturang mga Pinoy ay
sina Navy Gunnersmate
3rd Class Anifer Bucao,
Fireman First Class Aviation
Mechanic Oliver Cogo at
Petty Officer 2nd Class
Samuel Buniol ng Philippine
Coast Guard (PCG).

Kabilang ang tatlo sa Task Force
Sea Marshall na tumulong
para iligtas at ilikas ang mga
pasahero ng lumubog na Super
Ferry noong Setyembre 6, 2009
sa Siocon, Zamboanga Del Sur.

Tumanggap ang mga ito ng
certificate of commendation
mula sa International Maritime
Organization (IMO) sa London.

Iginawad ang parangal
kasabay ng 88th session
ng Maritime Safety Commission
meeting na ginanap sa United Kingdom
(UK).