Thursday, August 13, 2009

AFP nilunod ni GMA sa 'stars'

Abante, Agosto 8, 2009 page 2

By: Bernard Taguinod

Nagpaulan ng mga
'stars' si Pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo sa
top brass ngArmed Forces
of the Philippines (AFP).
Ganito inilarawan ng
makapangyarihang Commission
on Appointment
(CA) ang natanggap na appointment
papers kahapon
mula sa Malacanang para
sa pagtataas ng ranggo ng
mga top officials ng AFP.
Ayon kay Cebu Rep.
Eduardo Gullas, pinuno
ng House contingent to the
bicameral Commission on
Appointment, 22 opisyales
ng AFP ang madadagdagan
ng isang 'star' 0 bituin
sa kanilang balikat.
Pinakamataas na pinagbigyan
ng dagdag na bituin
sa balikat si Vice Admiral
(katumbas ng Lt. General)
Emilio Marayag Jr.,
na kasalukuyang umuokupa sa AFP deputy chief
of staff.
Magkakaroon naman ng
bagong anim na major generals
sa katauhan nina Anthony
Alcantara, commander
of the Army Training and
Doctrine Command; Hilario
Antendido, the Armed Forces
deputy chief of staff for
education and training; Antonio
Bautista, the Anlled
Forces adjutant general; Irineo
Espino, the Army chief
of staff; Lino Horacio Lapinid,
commander of the First
Air Division; at Anemio
Orozco, the Air Force inspector
general.
Umaabot naman sa 15
ang naidagdag sa hanay ng
mga heneral dahil itinaas
ni Arroyo ang ranggo ng
mga ito mula sa Colonel.
Kabilang sa mga ito sina
Emmanuel Amat, Rey
Ardo, Eugenio Clemen, Noel Coballes, Francisco
Cruz Jr., Lauro Catalino
Dela Cruz, Carlix Donila,
Romeo Fajardo, Cipriano
Gundao, Rolando Hautea
Jr., Gregorio Macapagal,
Joel Marayag, Celstino
Pereyra, Gominto Pirino
at Pedro Rieza Jr.
"Their appointment papers
are now with the CA,"
ani Gullas at nakatakdang
isalang sa pagsusuri ng
komisyon sa susunod na
linggo.
Bukod sa mga heneral,
umaabot naman sa 165
ang bagong koronel at tat-
10pang Naval captains ang
nai-promote.
"All told, the Palace
has endorsed to the CA
the appointment papers of
a fresh batch of 190 senior
military officers," dagdag
pa ng kongresista.

Sunday, August 9, 2009

'Fantastic 4' may cash incentive pa

Abante, Agosto 8, 2009, page 2

By: Noel Abuel
with Armida Rico & Eralyn Prado

Tumanggap ng cash incentives
ang apat na honor
guards, tinatawag na
ring 'Fantastic 4', sa funeral
procession ni dating
Pangulong Corazon Aquino
mula sa pamilya Aquino
at ilang negosyante.
Nabatid na pinagkalooban
ng tig-P25,OOO ang apat
na honor guards sa pagbibigay
ng parangal sa kanila
kahapon ng umaga na isinagawa
sa isang restaurant
sa Dela Rosa, Makati City.
Pinangunahan ni dating
Sen. Butz Aquino, kapatid
ni slain Sen. Ninoy Aquino
Jr. na esposo ng yumaong
pangulo, ang pagbibigay ng insentibo kina
P02 Danilo Malab Jr., Army
Private First Class Antonio
Cadiente, Airman Second
Class Gener Laguindan
at Navy Petty Officer 3
Edgardo Rodriguez.
Sinabi ni Aquino na mula
ang naturang halaga sa
kanilang pamilya at sa mga
negosyante sa Makati City.
Iginiit ng bayaw ng dating
pangulo na nakakataba
ng puso ang ipinakitang
sakripisyo ng apat na honor
guards habang inihahatid
sa huling hantungan
ang dating lider ng bansa.

4 honor guards pinarangalan, biniyayaan

Police Metro, AGOSTO 8, 2009, page 2

By: Joy Cantos, Danilo Garcia, Malou Escudero

Dahil sa pagganap ng mahalagang papel sa funeral
march ng labi ni daling Pangulong Cory Aquino, binigyan
kahapon ng parangal at cash incentives ng pamilya
Aquino ang apat na honor guards.
Pinangunahan ni dating Senador Butz Aquino,
kapatid ni dating Senador Ninoy Aquino ang pagbibigay
ng natatanging pagkilala a1 cash incentives nat
tig-P25.000 bawat isa kina P02 Danilo Maalab Jr. ng
PNP, Private First Class Amonio Cadiente, Airman I
I Second Class Gener Laguindam at Navy Petty Officer 3
Edgardo Rodriguez na mula naman sa AFP.
Sinabi ni Butz na mula ang naturang halaga sa
kanilang pamilya at sa mga negosyamc sa Makati
City dahil sa ipinakitang sakripisyo ng apat na honor
guards na tumayo ng mahigit kumulang na walong oras
mula sa Manila Cathedral sa Intramuros hanggang sa
Manila Memorial Park sa Paranaque City.
Inihayag namal1 ng apat na hanggang sa ngayon ay
hindi sila makapalliwala sa atensyong ibinibigay sa
kanila matapos tuparin ang kanilang tungkulin at
karangalan nilang maihatid sa huling hantungan ang
dating punong ehekutibo na kilalang 'icon ' ng demokrasya ng bansa.

Honor guards ..pinarangalan ng mga Aquino

Bandera, Saturday, August 8, 2009, Page 4

By: Inquirer

NAGBUNGA ang
sakripisyong ipinamalas
ng apat na
honor guard na
nagtiis ng mahigit
siyalll na oras sa
pagtayo sa tabi ng
labi ni dating Pangulong
Corazon
Aquino habang in ihahatid
ito sa huling
hantungan sa Manila
Memorial Park.
Kahapon ay
pinarangalan at
pinasalamatan ang
mga ita ng pamilya
Aquino at mga
negosyante sa Makati.
Mismong si dating
senador Butch
Aquino na siyang
kumatawan sa pamilya
Aquino ang
nagbigay ng pagpupugay
kina P02
Danilo Malab, Jr .•
Private First Class
Antonio Cadienle.
Airman 2nd Class Gener Laguindan at
Navy Petty Officer 3
Edgardo Rodriguez
sa ginanap na selebrasyon
kahapon.
Bukod sa parangal,
pinagkalooban
din ng pamilya
Aquino ang apat ng
tig-P25,OOO bilang
pabuya. Ayon sa
senador. ang pera ay
ambag mula sa pamilya
at sa mga
negosyante.
Samantala, sinabi
naman ni Eldon
Cruz, son-in-law ng
dating pangulo na
personal nilang
pasasalamatan ang
apat sa Agosto 21,
ang anibersaryo ng
kamatayan ni Ninoy
Aquino.
"The Aquino
family will thank
them personally and
honor them on the
21st," ani Cruz.