Tuesday, August 16, 2011

Navy aasinta ng 4th W

By Dondie Curit
Abante, Tonite, Tuesday, August 16, 2011

Pang-apat na dikit na panalo at paghahanda sa susunod na round ang tatrabahuin ngayon ng Philippine Navy sa pakikipagtipan sa Maynilad Water Services Inc. sa Shakey's V-League Season 8 Open Conference eliminations sa The Arena sa San Juan.

Mag-aabot ang Lady Sailors at Lady Water Dragons sa tampok na laro sa alas-kuwatro matapos ang sagupaang Philippine Army at ateneo de manila University sa alas-dos.

Paghahandaan ng mga bata ni playing coach Zeny Ybanez ang Maynilad na may kapasidad na manalo kahit lugmok sa 1-3.

"Yung mga remaning games namin, kailangang paghandaan namin iyon dahil bilog ang bola," ani ni Ybanez," Kahit Maynilad iyan, marunong silang mag volleyball."

Galing ang Navy sa 25-18,25-15,25-17 panalo kontra Philippine Air Force noong Linggo habang sumasadsad ang Maynilad sa Army, 22-25, 15-25, 27-25,15-25.

Sa unang laro,nakataya ang 4-0 kartada ng Lady Troopers at pananatili s atuktok ng team standings kontra Lady Eagles na pasok na rin sa susunod na round bu
nga ng 2-3 rekord.

No comments:

Post a Comment